Monday, May 6, 2024

Presyo ng karneng baboy hindi magtataas ayon sa D.A

- Advertisement -

Tiniyak ng D.A o Department of Agriculture na hindi magtataas ang presyo ng karneng baboy.

Ito ay kaugnay ng ipinatupad na temporary ban ng pamahalaan sa pag-angkat ng pork products dahil sa pagtama ng ASF o African Swine Fever sa 16 na bansa.

Kasabay nito, tiniyak rin naman ni Agriculture Under Sec. Ariel Cayanan na sapat ang suplay ng karneng baboy sa bansa.

Aniya, naka-a-alarma ang mabilis na pagkalat ng ASF sa mga karatig bansa ng Pilipinas.

Tiniyak rin naman ni Cayanan na may nakalatag ng bio security measures ang D.A kagaya na lamang ng paglalagay ng mga foot bath at x-ray sa mga entry point sa mga pantalan, at paliparan.

Samantala, itinigil na rin naman ng FDA ang pag-iisyu ng certification of product registration sa mga processed products gaya ng meatloaf, sausage, ham at iba pa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img