Suarez pinabulaanan ang mga paratang ni Alvarez

0
45

Pinabulaanan ni House Minority Leader Danilo Suarez ang alegasyong nasa kalahati hanggang isang milyong piso ang presyo ng isang boto para sa House speakership.

Ito ay kaugnay ng paratang ni dating house speaker Pantaleon Alvarez, na aabot sa 500,000 hanggang isang milyong piso ang ibinabayad sa mga mambabatas kapalit ng kanilang boto sa speakership race.

Ayon kay Suarez, ispekulasyon lamang at walang katotohanan ang mga paratang na ito ni Alvarez.

Kaugnay nito, nag-pahayag naman ng interes na maging sina Taguig City Representative-Elect Alan Peter Cayetano, at Leyte Representative Elect Lord Velasco, kung saan pareho naman nitong itinanggi ang mga paratang ni Alvarez.