Saturday, May 4, 2024

Pondo para sa quarantine facility inihirit ni Go

- Advertisement -

Ihihirit ni Senator Christopher Bong Go kay Pangulong Duterte ang pondo para sakanyang isinusulong na quarantine facility para sa mga pampublikong ospital sa bansa.

Ayon sa senador, dapat na malagyan ng quarantine facility ang bawat ospital na pag-mamay ari ng gobyerno kasunod ng pangambang pagdoble ng bilang ng persons under investigation (PUI) dahil sa 2019 novel coronavirus (COVID-19).

Binanggit rin nito, na dahil sa kakulangan ng pasilidad sa bansa ay napilitan ang gobyerno na gawing quarantine facility ang Athlete’s Village sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Samantala, kasunod ng hirit na pondo ay inaasahan rin ng senador na sesertipikahan ang kanyang panukala ni Pangulong Duterte bilang urgent.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img