Thursday, May 16, 2024

PNP kumpyansa na mahuhuli ang mga napalayang preso sa ilalim ng GCTA

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na mahuhuli pa rin ang mga napalayang preso sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law kahit na nakalabas na ito ng bansa.

Ito ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde matapos mapaulat na posibleng nakalabas na ng bansa ang mga napalayang preso na sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Paliwanag ni Albayalde, maari pa ring mahabol ang mga ito sa pamamagitan ng Extradition Treaty o ‘red notice’ ng interpol.

Kaugnay nito, sinabi ni Albayalde na epektibo ang paraan na ito dahil marami ng presong nagtago sa ibang bansa ang naaresto ng interpol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -