Tuesday, May 7, 2024

PNP handa na i-monitor ang presyo ng mga face masks at disinfectants

- Advertisement -

Handa ang Phil. National Police (PNP) na i-monitor ang presyo ng face masks, at mga disinfectants dahil sa bansa dahil sa panganib ng novel coronavirus-acute respiratory disease (nCoV-ARD).

Ayon kay PNP Chief Lt. Gen. Archie Gamboa, naka-handa ang pulisya na tulungan ang Dept. of Trade and Industry (DTI) at mga lokal na pamahalaan na imonitor ang presyo ng mga masks, at disinfectants dahil sa mga ulat na nagkaka-ubusan na ng suplay ng mga ito.

Kaugnay nito, umapela rin si Gamboa sa publiko na huwag mag panic-buying, at iwasang bumili ng sobra sa kanilang pangangailangan.

Una rito, pinaalalahanan din ng Dept. of Health (DOH) ang publiko na huwag mag-panic buying dahil mabilis naman ang manufacturing ng mga nabanggit na produkto.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Gamboa na naka-alerto na ang PNP dahil sa maaring pananamantala ng ilang negosyante sa sitwasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img