Cayetano inatasan ang DOH na makipag-ugnayan sa LGU’s kaugnay sa nCoV

0
23

Inatasan na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Dept. of Health (DOH) na makipag ugnayan sa mga mambabatas at lokal na pamahalaan kaugnay ng paglalabas ng impormasyon hinggil sa novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Cayetano, ito ay dahil patuloy ang pagkalat ng mga hindi beripikasong balita sa social media.

Sinabi nito na nagdudulot kasi ng takot, at panic sa publiko ang pagkalat ng fake news.

Dagdag pa ni Cayetano, dapat kasing magkaroon ng gabay ang publiko ukol sa nCoV para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa bansa.