Sunday, April 28, 2024

Planong pagdedeklara ng martial law sa Negros Oriental kinuwestiyon ni VP Robredo

- Advertisement -

Kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang mga panukalang isailalim sa martial law ang buong Negros Island kasunod naman ng serye ng pagpatay sa Negros Oriental.

Ayon kay Robredo, kinakailangan nang maresolba ang sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa nabanggit na lalawigan pero hindi aniya solusyon dito ang pagdedeklara ng batas militar.

Inihalimbawa pa ng bise presidente ang dalawang taon nang umiiral na Martial Law sa Mindanao subalit hindi pa rin napahihinto ang karahasan tulad ng suicide bombing.

Hinimok naman ni Robredo ang mga otoridad na agarang tukuyin ang mga nasa likod ng serye ng pagpatay sa iba’t ibang bayan sa Negros Oriental.

Batay sa datos ng PNP, nasa 21 na ang biktima ng magkakahiwalay na kaso ng pagpatay sa lalawigan kabilang ang apat na pulis, isang abogado, dating alkalde, konsehal, barangay chairmans at opisyal ng eskwelahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -