27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Tourist Activities sa Mt. Asog kinansela pansamantala ng local na pamahalaan.. Suspension of classes nasa kamay na ng mga mayor

- Advertisement -

Ng dahil sa naramdamang mahina hanggang s amalakas na pag-ulan dahil sa epekto ni TD Hanna, kinansela pansamantala ng City Tourism Office ng Lungsod ang ano man tourist activity sa Mt. Asog, ang isa sa mga tourist destination dito.

Ito ang ipinabatid ni Mayor Madel Y. Alfelor, upang maseguro ang kaligtasan ng mga turista na nais umakyat sa bundok.

Kanyang sinabi na kaligtasan pa rin ang una nilang iniisip at kapakanan ng mga bisita ng lungsod, lalo pa ngayon maaaring magkaroon ng landslide at flashflood dala ng mga pag-ulan.

Ang mga naunang reservations na ipinalabas ng city hall ayon sa mayor ay ipagpapaliban muna at maaaring ituloy kung gumanda na kalagayan ng panahon.

 

Samantala, nasa mga mayor na ng Camarines Sur ang desisyon kung magdedeklara ng suspension of classes sa kanilang mga area of jurisdiction.

Ito naman ang sinabi ni Gov. Migz Villafuerte sa kanyang memoramdum no.4 na pinalabas kahapon sa kasagsagan na mahina hanggang s amalakas na pag-ulan sa buong lalawigan.

Ayon sa kanya mas batid ng mga mayor kung ano ang dapat gawin at sila ang unang nakaka-alam sa dapat hakbang.

Habang sinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin ang paminsan-minsan pagbagsak ng ulan sa buong lalawigan kasabay ng makulimlim na kalagayan ng panahon.

Biernes at sabado naranasan ng ibang lugar sa lalawigan ang flashflood na nagin sanhi upang magsilikas ang maraming pamilya sa tabi ng bicol river.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -