Saturday, May 4, 2024

Pinaka huling batch ng imported NFA rice dumating na sa bansa

- Advertisement -

Dumating na sa bansa ang pinaka huling batch ng imported na NFA rice.

Ito ay kasunod ng pagdating ng mahigit 18,000 metrikong tonelada ng bigas sa Subic mula sa bansang Pakistan.

Ayon kay NFA Acting Administrator for Operations Rex Estoperez, ito na ang huling pag-aangkat ng NFA na bigas, kung saan inaasahan naman itong tumagal hanggang buwan ng Agosto.

Paliwanag ng opisyal, bagaman hindi na maaring ibenta sa mga pamilihan at palengke ang mga naturang bigas dahil sa Rice Tariffication Law, ay magsisilbi naman aniya ang mga bigas na ito bilang ayuda sa panahon ng kalamidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img