Friday, May 3, 2024

DOJ Sec Guevarra di kumbinsido sa bantang revolutionary war ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Hindi kumbinsido si Justice Sec. Menardo Guevarra sa bantang suspensiyon ng writ of habeas corpus at pag deklara ng revolutionary war ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.

Kaugnay ito ng naging banta ng punong ehekutibo na kaniyang susupindihin ang writ of habeas corpus sa oras na maubos ang kaniyang pasensiya sa patuloy na pagdami ng problema na kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Guevarra, posibleng nabigla lamang ang pangulo kaya’t nabitawan nito ang nasabing pagbabanta.

Aniya, bilang isang abogado, alam ng pangulo ang hangganan ng kaniyang kapangyarihan at ang mga hakbang na maari nitong ipatupad.

Una rito, sinabi naman ni Atty. Edre Olalia, pangulo ng NUPL o National Union of People’s Lawyer na walang konstitusiyunal na basehan ang naging pahayag na ito ni Pangulong Duterte.

Paliwanag nito, ang ganitong uri ng pahayag ng pangulo laban sa oposisyon ay dapat ipagsa-walang bahala lamang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img