31.6 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PIFITA, FIA malaki nag maitutulong sa bansa — Salceda

- Advertisement -

Kumpiyansa si House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda na malaki ang maitutulong sa bansa ng dalawang priority bills na inaprubahan sa Kamara.

Ito ay matapos aprubahan ang House Bill 304 o ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) at House Bill 300 o Amendment of the Foreign Investment Act (FIA).

Layunin ng mga panukala na gawing madali at simple ang pagkolekta ng buwis ng gobyerno sa ilalim ng PIFITA habang luluwagan naman ang panuntunan sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa ilalim ng pag-amyenda sa FIA.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Salceda na sakaling maging ganap na batas ang mga ito ay magiging daan ito para makakolekta ng malaking buwis ang gobyerno na maaring makaakit ng magandang kapital at mamumuhunan sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -