Friday, May 10, 2024

BAI sinusuri ang limang mga patay na baboy na natagpuan sa ilog sa QC

- Advertisement -

Sinusuri na ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang natagpuang limang (5) patay na alagang baboy sa isang ilog sa barangay Silangan sa Quezon City.

Ito ay sa gitna ng pangambang African Swine Fever ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy.

Ayon sa BAI, kumukuha pa sila ng sample upang isailalim sa laboratory test at makupirma kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Ayon naman kay Q.C Veterinarian Dra. Ana Maria Cabel, sakaling magpositibo sa ASF ang mga patay na baboy ay agad nilang ipag-uutos ang pagpatay at paglibing sa lahat ng mga alagang baboy sa naturang barangay.

Samantala, batay naman sa tala ng barangay Bagong Silangan mayroong 100 backyard piggery owners sa naturang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -