Thursday, May 2, 2024

Philippine women’s volleyball team wagi laban sa Vietnam

- Advertisement -

Tinalo ng Philippine women’s volleyball team ang Vietnam kagabi matapos ang ginanap na 5 set game sa Asean volleyball grand prix sa bansang Thailand.

Laking tuwa ng mga manlalaro at fans ng koponan sa resulta ng laro matapos ang dalawang sunod nilang pagkatalo.

Muntik nang hindi makuha ng philippine team ang panalo matapos silang matalo sa 3rd set ngunit bumawi ito sa mga kasunod pang round.

Namayagpag naman sa loob ng court ang ilan sa mga hinahangaang manlalaro katulad nina Jia Morado, Mylene Paat, Ces Molina at Kalei Mau.

Dahil sa pagkapanalo itatalaga sa ikatlong pwesto ang philippine team sa over all ranking ng grand prix.

Matatandaang ang kanilang paglalaro sa nasabing basketball tournament ay bahagi ng paghahanda ng koponan para sa kanilang pagsabak sa 2019 South East Asian games.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img