32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga Residente Sumugod Sa Tanggapan Ng Comelec Gensan Upang Maghain Ng Petition

- Advertisement -

Mahigit isang daang (100) residente ang  sumugod sa tanggapan ng Comelec Gensan alas otso (8) ng umaga kanina, galit na galit din ang  ibang mga tao dahil naabutan nila na nakatiwangwang ang nasabing tanggapan at isang tao lang ang kanilang naabutan, pinangunahan ito ng dating Kapitan ng Barangay Conel na si Jose Santos,

Galing pa sa ibat ibat Barangay ng Gensan ang mga tao at bitbit ang kanilang petition  letter, upang ipa receive sa comelec, dismayado di umano ang mga tao dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema  na idiklara bilang Kongresista ng UNANG Distrito ng Gensan si Gng. Sherlyn  Banas,

Ayon kay Ginoong Santos ang laman ng kanilang petition letter ay requesting the Comelec na sagutin ng Supreme court rolling na bakit idiniklarang nanalo si Sherlyn Banas sa unang distrito, dahil wala naman nangyaring election para sa pagka Kongresista, ayon pa sa ibang mga sumama sa pag sumite ng petition ay dapat patas na laban at magkaroon ng isang election.

Dagdag pa ni Ginoong Santos ay sampong libo na mahigit ang pumirma sa isinumiteng petition.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -