PH-China meetings kaugnay sa ‘Build Build Build’ inaasahan na

0
64

Inaasahan na ang mga serye ng pagpupulong ng ilang opisyal ng Pilipinas at China ngayong linggo, para sa mga bagong kasunduan sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang serye ng pagpupulong na ito ay sesentro sa patuloy na pag-uugnayan ng dalawang banasa ukol sa mga flagship infrastructure projects ng pamahalaan.

Pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang delegasyon ng Pilipinas sa Beijing, kung saan nakatakda nitong makaharap ang matataas na opisyal sa Ministry of Commerce ng China, at Chinese Vice President Wang Qishan.

Samantala, isasagawa naman ngayong araw ang isang Philippine Economic Briefing para ipakita sa mga interesadong Chinese investors ang mga oportunidad sa pagnenegosyo sa Pilipinas.

Matatandaang, noong 2017 nagkaroon rin ng isang Philippine Economic Briefing sa Shanghai, China.

—-