35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Road Board tuluyan nang nilusaw ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Tuluyan nang nilusaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Road Board.

Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11239 kung saan inaatasan na ibalik sa kabang yaman ng bansa sa pamamagitan ng special account ng general fund ang perang nakolekta ng Road Board mula sa road users’ tax.

Binigyang mandato rin ng batas ang mga kalihim ng DBM, DPWH at DOTr na gawin ang lahat ng mga kinakailangang pag-amyenda sa sistema, polisiya at layunin ng naturang batas.

Ililipat naman ang mga kuwalipikadong empleyado ng Road Board sa DPWH habang ang mga hindi naman ma-absorb ay makatatanggap ng separation pay alinsunod sa batas.

Sa ulat ng COA, umabot sa 166.18 bilyong piso ang nakolekta ng Road Board bilang road users’ tax mula noong 2001 hanggang 2018.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -