Thursday, May 2, 2024

Peacetalks dapat gawing localized lang —Lacson

- Advertisement -

Umapela si Senator Panfilo ‘Ping’Lacson sa pamahalaan na isulong na lamang ang localized peace talks sa mga rebeldeng grupo.

Ayon kay Lacson, subok na kasing mas epektibo ang localized peacetalks dahil ilang beses na rin aniyang nagkaroon ng pangkalahatang usapang-pangkapayapaan kung saan hindi naman sumusunod ang New People’s Army (NPA).

Dagdag pa nito, mas praktikal din aniya na gawing localized ang peacetalks kaysa na nationwide peacetalks, dahil mas madali itong kontrolin at tutukan ng pamahalaan.

Di naman lahat ng probinsya ay mayroon problema sa insurgency,” ani Senator Panfilo Lacson.

Una rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sec. Silvestre Bello III na magtungo sa Netherlands upang makipag negosasyon kay CPP-NPA founding chairman Joma Sison hinggil sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img