35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Approval, trust rating ni Duterte at Robredo tumaas sa buwan ng Disyembre —Pulse Asia

- Advertisement -

Kapwa tumaas ang approval at trust rating nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo para sa buwan ng Disyembre.

Batay sa survey ng Pulse Asia, naitala ang 87% approval rating ni Pangulong Duterte habang nasa 83% naman ang trust rating nito.

Mas mataas ito ng 9% kumpara sa naitalang 78% na approval rating ng pangulo noong Setyembre.

Samantala, tumaas naman ng 7% ang trust rating ni Robredo kung saan nakakuha ito ng 53% kumpara sa naitalang 46% para sa buwan ng Setyembre.

Habang tumaas din naman ang nakuhang approval rating ng pangalawang pangulo na sumampa na sa 58%.

Pinakamataas naman ang approval at trust rating ng pangulo sa Mindanao habang naitala ang pinakamataas na approval at trust rating ni Robredo sa Visayas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -