Friday, May 17, 2024

PDP-Laban posibleng hindi makumpleto ang 12 senatorial slot

- Advertisement -

Posibleng hindi makumpleto ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas Ng Bayan (PDP-Laban) ang 12 slot para sa kanilang senatorial candidates sa halalan sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni PDP-Laban President at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III matapos na magpasiya silang maghigpit at maging istrikto sa pagpili ng mga isasabak sa 2019 senatorial elections.

Ayon kay Pimentel, nabawasan ang dating 20 nasa listahan ng kanilang partido at ngayon ay nasa lima hanggang anim na lamang.

Kabilang aniya sa natanggal sa kanilang listahan sina Congressmen Karlo Nograles at Daks Cua na nagsabing hindi na tatakbo sa pagkasenador.

Dagdag ni Pimentel, nasa kamay na ng kanilang campaign manager na si Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagpapasiya kung mag-aadopt ng ibang kandidato tulad ng mga re-electionist na may sari-sarili namang partido.

(with report from Cely Ortega-Bueno)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -