Sunday, April 28, 2024

PDP-Laban hindi na tatanggap ng miyembro mula sa kabilang paksiyon

- Advertisement -

Hindi na tatanggap ang PDP-Laban ng mga miyembrong nais lumipat mula sa kabilang paksiyon ng partido.

Ito ang binigyang diin ng re-electionist na si Senador Koko Pimentel, national president ng PDP-Laban, matapos ideklara ng Comelec na lehitimo ang paksiyon ng nabanggit na partido na kanyang pinamumunuan.

Ayon kay Pimentel, wala ng oras upang lumipat sa lehitimong partido ang mga nasa panig ni National President Rogelio Garcia.

Hindi na puwede, wala na saka too late na mag-issue ng CONA kasi tapos na ang filing at period of substitution at saka ayaw namin ng traydor sa ranks namin. ‘Yung mga taong tumangkilik sa mga rougue elements at doon pumunta akala nila may shortcut sa PDP-Laban, di namin tatanggapin sa PDP-Laban ‘yan. Pahayag ni Pimentel

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -