28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mahigit 30-M pisong halaga ng shabu nasabat sa Cebu

- Advertisement -

Tinatayang 36 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Cebu City Police sa kanilang operasyon sa Barangay Sambag 2 na nagresulta sa pagkaka-aresto ng apat katao, kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Carabaña, alyas Jordan, 28 anyos, residente ng  Barangay Fairvew Homes, Barangay Basak Pardo na isang high value target.

Jemuel Enrile, 24 anyos ng Barangay Cansujong, Talisay City, Cebu;  Agustin Quijano, 34 anyos at Arnold Arquiza, 37 anyos na kapwa residente ng Barangay Quiot Pardo.

Ayon kay Senior Supt. Royina Garma, hepe ng Cebu City Police, pasado 10:00 kagabi nang salakayin ng mga miyembro ng drug enforcement unit ng guadalupe police precinct ang apartment ng mga suspek.

Napag-alaman ng mga otoridad na nagmula ang mga droga sa Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -