Wednesday, May 8, 2024

PDP-Laban handang lumagda sa manifesto na magpapatunay sa patuloy na suporta kay Cayetano

- Advertisement -

Nakahandang lumagda sa isang manifesto ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Mababang Kkapulungan ng Kongreso.

Ito ay upang patunayan ang patuloy na suporta kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng umano’y tangkang kudeta laban dito.

Ayon kay PDP-Laban spokesperson at House Deputy Speaker Johnny Pimentel, walang alam sa anumang tangkang kudeta laban kay Cayetano ang kanyang mga kaalyadong kongresista.

Iginiit ni Pimentel, sakali mang totoo ang nabanggit na kudeta, wala rin silang planong makibahagi dito.

Una nang itinuro ni Cayetano si Marinduque representative Lord Allan Velasco bilang nasa likod ng pagpapatalsik sa kanya sa house speakership sa pamamagitan ng pag-aalok ng puwesto at dagdag na pondo sa mga kongresista.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img