Dapat tratuhin ng makatao at patas ang mga Filipino seafarer.
Ito ang apela ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang regional meeting sa maritime industry stakeholders na inorganisa ng Department of Labor and Employment at Seafarer’s Rights International.
Ayon kay Bello, dapat tumalima ang mga stakeholder sa mga patakaran ng international maritime organization at international labor organization.
Mahalaga anyang tutukan ang pangangailangan at working condition ng mga mandaragat lalo’t  30% ng isa’t kalahating milyong seafarer ay pinoy.
Ipinunto ni Bello na sa tulong ng lahat ng bansa sa Asya ay maaaring bumalangkas ng guidelines para sa patas trato sa mga seafarers na nakapaloob naman sa Manila Declaration on the Protection of Seafarers.