Posibleng delay sa 2019 national budget wala umanong epekto sa dagdag sahod ng mga government employee

0
42

Wala umanong epekto sa nakatakdang dagdag sahod ng mga government employee at uniformed personnel ang posibleng delay sa pagpasa ng panukalang 3.7 trillion peso 2019 national budget.

Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya na kabuuang 121.7 billion pesos ang inilaan para sa salary increase sa susunod na taon anumang delay sa pagpasa ng pambansang pondo ay walang epekto sa disbursement.

Bahagi anya ng inilaang pondo para sa 51.7 billion pesos ang inilaan para sa mga civilian  employee habang ang nalalabing 70 billion pesos ay para sa mga uniformed personnel tulad ng sundalo at pulis.

Itinanggi rin ni Andaya ang ulat na naka-salalay sa national budget ang naka-programang salary increase ng mga kawani ng pamahalaan.