Friday, May 17, 2024

Panukalang pagpapaliban ng barangay, SK elections, isinusulong na i-adopt na lang ng Senado

- Advertisement -

Isinusulong ni Senate Committee on Electoral Reforms Chairman Imee Marcos na i-adopt nalang ng Senado ang naipasang bersyon ng kongreso kaugnay sa panukalang pagpapaliban ng barangay at SK elections sa susunod na taon.

Paliwanag ng Senadora, ito ay para hindi na dumaan sa bicameral conference committee ang naturang panukala dahil wala naman itong pinagkaiba sa bersyon ng Senado.

Ito ay kung saan sa halip na sa susunod na taon isagawa ang eleksyon sa pambarangay at sangguniang kabataan ay sa Disyembre 5, taong 2022 na lamang.

Samantala, iginiit rin ni Senator Imee na ang mga opisyal ng barangay ang inaasahang magpapatupad ng lahat ng programa ng pamahalaan katulad ng kampanya kontra iligal na droga. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -