Friday, May 3, 2024

Panukalang P4.1-T na pambansang pondo, tila minadali — Zarate

- Advertisement -

Umani ng batikos mula sa ilang mambabatas ang mabilis na pag-apruba ng Kamara sa panukalang P4.1-T na panukalang pambansang pondo.

Pinuna ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang tila pag-mamadali aniya ng Kamara na ipasa ang panukalang pondo para sa susunod na taon.

Aniya, dahil sa mabilis na approval ay hindi masyadong nabusisi ng mababang kapulungan ng kongreso ang mga amyenda at umano’y insertions sa budget.

Dagdag pa ni Zarate, hindi rin niya mabatid kung bakit hindi nasunod ang orihinal na schedule para pag-aralan ng mga mambabatas ang pinal na kopya ng panukalang pambansang budget.

Kasabay nito, sinabi rin naman ni ACT Teachers Rep. France Casto na hindi dapat madaliin ang pag-apruba sa national budget dahil mahalaga ang papel ng kongreso upang tukuyin ang mga aniya’y anomalya na nakapaloob dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img