Thursday, May 2, 2024

Ilang bilanggo sa NBP binabayaran para pumatay — Sotto

- Advertisement -

Isiniwalat ni Senate President Vicente Sotto III na ginagamit ng ilang nakakulong na drug lords ang ilang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) bilang assassin o mamatay tao.

Ayon kay Sotto, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa NBP kung saan binabayaran umano ang mga bilanggo para pumatay.

Paliwanag ni Sotto, batay sa impormasyon na kaniyang nakalap, malayang nakakalabas-masok sa kulungan ang mga inmates para lamang magsilbing hired killer ng mga druglords.

Dagdag pa nito, may ilan ding tumatambay sa kulungan kahit na hindi ito bilanggo, dahil lamang malaki ang kinikita ng mga ito mula sa mga drug lords.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ng Senador na walang direktang ebidensiya upang patunayan na may kinalaman si dating BuCor Chief Nicanor Faeldon sa naturang katiwalain.

Sa ngayon, tiniyak ni Sotto na patuloy pa rin nilang iiniimbestigahan ang panibagong modus na natuklasan sa Bilibid.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img