Saturday, May 18, 2024

Panukalang 2021 national budget nais ipasa sa oras ni Pangulong Duterte — Roque

- Advertisement -

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipasa ang panukalang P4.5-T national budget para 2021, bago matapos ang kasalukuyang taon.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kabila aniya ng nangyayaring bangayan sa pagitan ng ilang mga miyembro ng House of Representatives sa usapin ng pondo sa imprastraktura para sa mga distrito.

Ayon kay Roque, non-negotiable para kay Pangulong Duterte ang 2021 budget dahil nakapaloob rito ang pinakamalaking stimulus package para sa COVID-19 pandemic.

Inaasahan aniyang mapopondohan nito ang mga programa at proyekto na makatutulong para mabilis na makabawi ang Pilipinas mula sa pandemiya.

Magugunitang, kinuwestiyon ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. ang aniyang napakalaking pondo para sa imprastraktura ng Taguig City at Camarines Sur sa mga distritong sakop nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -