Monday, May 13, 2024

Panibagong oil price rollback inilarga na

- Advertisement -

Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong rollback sa presyo ng kanilang mga produkto.

Epektibo alas dose uno kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Chevron Philippines ang .10 na tapyas presyo sa kada litro ng gasolina at .25 sa diesel at kerosene.

Nagpatupad naman ang Eastern Petroleum .35 na rollback sa kada litro ng diesel at .15 sa gasolina.

Mamaya namang ala sais ng umaga ipatutupad ng Flying V, Petron, Total, Petro Gazz, Jetti, PTT at Shell ang .10 na bawas sa kada litro ng gasolina at .25 sa diesel at kerosene.

Ito na ang ikalawang beses ngayong Disyembre na nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga oil company bunsod ng price adjustment sa international market.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -