Friday, May 3, 2024

Panhihipa Kan Mga NPA Sa Grupo Kan Mga Suldados Na Yaon Sa Pagtao Nin Tabang, Kinondinar

- Advertisement -

Iriga City — Bulagta ang isang sundalo habang anim pang kasamahan ang sugatan matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng “Serbisyo Caravan” sa mga mahihirap na residente sa Sitio Quiapo, Brgy. Tobgon sa bayan ng Oas ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi ang biktimang si Sgt. Ignacio Refuerzo matapos mapuruhan ng bala sa katawan habang sugatang isinugod sa iba’t ibang hospital ang iba pang sundalo na sina Sgt. Alvin Esteria, Sgt.Edgar Sarahan, Pfc. Alsaddam Abdulahid, Private Teodoro Cardano, Private John Mark Verdiflor at Private Mae Nares; pawang miyembro ng 49th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon, sakay ng KM450 cargo vehicle ng Philippine Army ang mga nabanggit na sundalo at binabagtas ang barangay road patungo sa Brgy. Del Rosario upang magsagawa ng programang “Serbisyo Caravan” para sa mga naghihirap na residente sa mga barangay ng bayan ng Oas nang tambangan sila ng tinatayang 15 na bandidong NPA.

Walang humpay silang pinagbabaril at nagpasabog pa ng bomba ang mga rebelde dahilan para masugatan ang mga sundalo na agad ikinamatay ni Refuerzo.

Sa kabila na sila ay naunahan,  hindi nagpasindak ang mga sundalo na agad nakipagbarilan na umabot pa sa 30 minutong palitan ng putok hanggang umatras ang mga rebelde.

Mahigpit namang kinondena ng liderato ng Philippine Army sa Bicol ang patraydor na pananambang ng mga rebelde sa mga sundalong naghahatid lamang ng serbisyo sa mga mamamayan.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Bicol News, photo courtesy of Albay Police Provincial Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img