- Advertisement -
Tinira ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging talumpati sa UN general assembly kagabi ang ilang kritiko ng pamahalaan at kampanya nito laban sa iligal na droga, krimen at terorismo.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, na sa kabila ng pambabatikos ay mananatili ang kanyang administrasyon sa pagtuon sa pagpoprotekta sa karapatang pantao laban sa salot ng terorismo, kriminalidad at iligal na droga.
Aniya, magpapatuloy rin ang kanyang administrasyon na makisali sa bukas na dayalogo at pagbuo ng ugnayan sa United Nations.
- Advertisement -