Tiniyak ng kumpanyang Diamond Princess ang pangangalaga sa kanilang halos 4,000 pasahero.
Kasalukuyang naka-quarantine sa loob ng cruise ship ang lahat ng sakay nito matapos magpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) ang nasa 20 pasahero nito.
Ayon sa pamunuan ng Diamond Princess, dinadala ang mga pagkain at inumin sa kani-kanilang kwarto.
May mga pinapayagan umanong maglakad-lakad at makalanghap ng sariwang hangin ngunit hindi maaaring sabay-sabay.
Para naman hindi umano mainip ang mga pasahero habang naka-quarantine, nagdagdag sila ng entertainment options gaya ng pagbibigay ng mga maaaring panuorin, audiobooks, exercise, videos, board at card games.