Prostitution den sa Poblacion, Makati sinalakay ng PNP

0
21

Sinalakay ng Makati City Police at Philippine National Police (PNP) Women and Children Protection Center ang prostitution den sa Poblacion sa Makati City.

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na ginagawang prostitution den ang Hotel 88 sa Guerrero Street.

Dahil ditto, tatlong linggong isinailalim sa surveillance ang nabanggit na hotel bago isinagawa ang operasyon.

Nailigtas naman ang nasa 25 babaeng ibinubugaw sa halagang P15,000 para sa kanilang serbisyo.

Anim (6) sa mga nasagip na kababaihan ay mga Pinay habang ang 19 na iba pa ay mga Chinese national.