33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Si Superman lang ang makakalutas ng matinding problema sa trapik sa Metro Manila — Bong Go

- Advertisement -

Naniniwala si Senator Christopher Bong Go na si “Superman” lamang ang makaha-hanap ng solusyon sa matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay Go, wala naman talagang krisis sa trasportasyon dahil matagal nang mabagal ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Aniya, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sumuko na dahil hindi ito makahanap ng solusyon sa naturang problema.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ng senador kung nabigyan lamang ng emergency powers ang pangulo ay posible pang matuldukan ang mabagal na daloy ng trapiko.

Matatandaang sa pag-aaral na inilabas ng Japan International Cooperation Agency noong 2017, lumabas na pumapalo sa 3.5 billion pesos ang nawawala sa Pilipinas dahil sa traffic sa Metro Manila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -