Tuesday, May 14, 2024

Palasyo hindi kumbinsido na magpadala ng barko ang Vietnam sa South China Sea

- Advertisement -

Hindi kumbinsido ang Palasyo ng Malacañang sa hakbang ng Vietnam na magpadala ng barko sa South China Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naghahanap lamang ng giyera ang Vietnam sa China kung saan ipinapahamak lamang nito ang buhay ng kanilang mga kababayan.

Aniya, posibleng mag-bunga ng gulo ang naging hakbang na ito ng Vietnam dahil mistula hina-harass nito ang China sa nasabing pinag-aagawang teritoryo.

Kaugnay nito, ibinida rin naman ni Panelo na ang pinaka-mabisa pa rin ay ang estratehiya ng Pangulong Rodrigo Duterte na idaan sa diplomasya at usapan ang pag-angkin ng Pilipinas sa ilang teritoryo sa South China Sea.

Matatandaang isa ang Vietnam sa mga claimant sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -