Monday, April 29, 2024

Pinay nahaharap sa parusang kamatayan matapos mahulihan ng shabu sa Sabah

- Advertisement -

Nahaharap sa parusang kamatayan ang isang Pilipina matapos itong mahulihan ng 5.9-kilo na shabu sa Manggatal, Sabah.

Ayon kay Sabah deputy police commissioner Datuk Zaini Jass, naaresto hindi pinangalanan na 32-taong gulang na Pinay sa isang raid na ikinasa noong nakaraang Martes.

Nakuha ng mga pulis ang mga droga na nakasilid sa mga pakete ng tsaa.     

Ayon sa police official, ang mga droga ay pag-aari ng isang lalaki na hindi pa naaresto at nagkakahalaga ang mga 275,000 Malaysian ringgit o katumbas ng P3-M.

Sa ilalim ng Malaysian laws, ang sinumang mahulihan ng 200-gramo ng marijuana, at 15-gramo ng heroine at morphine ay mahaharap sa mandatory death sentence.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs, aabot sa 48 Pilipino ang nahaharap sa parusang kamatayan sa nasabing bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -