Sunday, April 28, 2024

Pagsalubong sa kaarawan ni Sinas walang nakikitang paglabag sa quarantine protocols —PNP chief

- Advertisement -

Wala umanong nakikitang paglabag sa quarantine protocols ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga pulis na sumalubong sa kaarawan ni National Capital Region Police Office Director Debold Sinas.

Sa pahayag ni PNP Chief General Archie Gamboa, nagkaroon naman aniya ng social distancing ang mga pulis nang idaos nito ang mañanita para kay Sinas.

Nauna rito, batay sa inilabas na panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ipinagbabawal nito ang anumang mass gatherings, at pagpapatupad ng social o physical distancing ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

Sa kabila nito, makikita sa official Facebook page ng NCRPO ang litrato na magkakalapit ang mga pulis habang kumakain.

Gayudin ang isang litrato ni NCRPO Director Debold Sinas, na walang suot na face mask sa birthday celebration nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -