Sunday, May 5, 2024

Pagpapasara ng ABS-CBN isang ‘distraction’ sa Kongreso —Salceda

- Advertisement -

Itinuturing ng isang mambabatas na “distraction” ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Ayon kay House Ways and Means Chairman Joey Salceda, nasa gitna ng krisis sa ngayon ang Pilipinas kung saan abala ang kongreso sa pagharap at pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Aniya, napakaraming trabaho ngayon ng kongreso magmula sa pagbuo ng economic recovery plan hanggang sa pagtiyak na protektado ang trabaho, at kaligtsan ng mga mamamayan.

Sinabi ni Salceda, mayroon kasing “exclusive jurisdiction” ang kongreso kung magpapatuloy pa ang operasyon ng abscbn kaya’t ang hakbang ng National Telecommunications Commission (NTC) na silbihan ito ng cease and desist order ay distraction o tila pagpigil sa kongreso na gampanan ang kanilang prayoridad na trabaho.

Dagdag pa ni Salceda, ang hakbang ng NTC ay babala sa kongreso na maaring ang sangay ng ehekutibo na ang mag-take over kung mabibigo silang aksyunan ang nasabing isyu.

Maalalang napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN noong ika-4 ng Mayo kung saan nakabinbin pa rin naman sa kongreso ang mga franchise renewal bills nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img