Saturday, May 18, 2024

Pagpapalikas sa mga manggagawang Pinoy sa Libya patuloy

- Advertisement -

Patuloy ang pagpapalikas ng pamahalaan sa mga manggagawang Pilipino sa Libya.

Sa kabila ito ng naging kasunduan sa pagitan ng Government National Accord at Libyan National Army ni Khalifa Haftar na magpatupad ng ceasefire o tigil-putukan.

Ayon kay Ambassador Elmer Cato, nananatili pa ring nakataas ang alert level 4 sa Tripoli at iba pang lugar sa Libya kaya patuloy pa rin ang mandatory evacuation doon.

Sinabi ni Cato, sa ngayon meron pa lamang 12 Pilipino sa Libya ang humiling ng tulong para sa repatriation.

Kasabay nito, nanawagan si Cato sa iba pang mga Pilipino sa Libya na hindi pa handang iwan ang kanilang trabaho ay tiyakin na lamang na nakakaiwas sila sa kaguluhan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -