Thursday, May 2, 2024

Pagkakasangkot ng mahigit 300 pulis sa illegal drug trade pinarerepaso ng PNP chief

- Advertisement -

Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa kung totoong sangkot nga sa illegal drug trade ang 357 mga pulis.

Ito, ani Gamboa, ay kabilang din sa drug watch list ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan, one star o brigadier general ang may pinakamataas na ranggo.

Sinabi ng PNP chief, hindi muna niya isasapubliko ang pangalan ng mga ito lalo’t sisimulan na nila bukas ang adjudication at validation process at tatagal ito sa loob ng isang buwan.

Sisimulan aniya ito sa regional at directorial staff adjudication boards at saka ipapasa naman sa national adjudication board na pangungunahan ng deputy chief PNP for administration saka isusumite kay Pangulong Duterte.

Pagtitiyak ni Gamboa, aalisin sa listahan ang sinumang pulis na mapatutunayang inosente habang ipaghaharap naman ng mga kasong administratibo at kriminal ang mga mapatutunayang sangkot nga sa ilegal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img