Friday, May 17, 2024

Panelo nanindigang nais na ni Duterte na tuluyang ibasura ang VFA

- Advertisement -

Nanindigan si Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ibasura ang visiting forces agreement (VFA).

Ito ang reaksyon ni Panelo makaraang tawaging ‘fake news’ ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na ipinag-uutos na ng pangulo ang pagpapadala ng abiso sa Amerika para sa tuluyang pagbasura sa nasabing kasunduan.

Ayon kay Panelo, posibleng hindi pa natatanggap ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kopya ng kautusan ng pangulo, subalit ito aniya ang resulta ng kanilang naging pag-uusap.

Magugunitang sinabi ni Lorenzana na wala naman silang natatanggap ni Foreign Affairs Sec. Teddy Boy Locsin Jr. na kopya ng kautusan mula kay Medialdea kaya’t maituturing aniyang hindi totoo ang mga naglabasang ulat hinggil sa isyu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -