Friday, May 17, 2024

Pagkakaloob ng emergency power kay Pangulong Duterte mahalaga — Tugade

- Advertisement -

Muling ibinida ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Kamara ang kahalagahan ng pagkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, isa raw ito sa mga paraan para maresolba ang problema sa trapiko.

Dagdag pa nito, kapag ipinagkaloob na ang emergency powers sa pangulo ay sisiguraduhin niya na hindi aalisin ang oversight powers ng Kamara hinggil sa pagsilip sa mga proyekto ng ahensya.

Iginiit pa ni Tugade na kung noon pa ipinagkaloob ang special power ay mapabibilis na ang pagpapatupad ng mga proyekto para maging maayos na ang daloy ng trapiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -