Thursday, May 2, 2024

Paghina ng water pressure, water interruption posible nang maranasan —Manila Water

- Advertisement -

Posible nang maranasan ng mga konsyumer ng Manila Water ang mahinang pressure ng tubig mamayang gabi, ika-19 ng Pebrero.

Ito’y ayon kay Manila Water communication’s head Dittie Galang kung saan binigyang diin nito na hindi na naman bago ang mga ipinatutupad nilang water service interruptions.

Aniya, nitong nakaraang mga buwan ay nagpapatupad na ang Manila Water ng mga pasulpot-sulpot na service interruptions dahil sa mababang alokasyon ng tubig na ibinibigay ng National Water Resources Board (NWRB) sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Nananatili aniya sa 40 cubic meters/second ang alokasyon ng tubig na ibinibigay ng NWRB na mas mababa kumpara sa normal na alokasyon na 46 cubic meters/second.

Dagdag pa ng Manila Water upang mapagkasya nila ang alokasyong ibinibigay ng NWRB, kabilang sa kanilang ipinapatupad na hakbang ang pagbabawas ng pressure sa ilang mga lugar lalo na sa mga matataas na lugar.

Simula po mamayang gabi, o sa mga susunod na araw, magsisimulang maranasan ‘yung paghina ng pressure o kawalan ng tubig,” ani Galang. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img