Friday, May 10, 2024

Pagdedeklara ng localized state of health emergency iminungkahi ng DOH

- Advertisement -

Iminungkahi ng Department of Health (DOH) ang pagdedeklara ng localized state of health emergency.

Ito ay kasunod ng naitalang panibagong kaso ng polio sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy ang kanilang isinasagawang surveillance para mabantayan ang mga kaso ng polio sa bansa.

Umaapela naman si Duque sa mga Local Government Units (LGUs) na makipagtulungan upang mapanatili ang malinis na komunidad at maiwasan ang pagkakaroon ng naturang sakit.

Aniya, tiwala ang kanilang departamento na mawawala ang sakit na polio kapag naabot na nila ang target na 95% immunization coverage.

Samantala, sinimulan na kahapon ang ikalawang bugso ng sabayang patak kontra polio sa NCR at Mindanao, at tatagal ito hanggang ika-7 ng Disyempre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -