NGCP handa sakaling magkaaberya sa suplay ng kuryente sa SEA Games

0
20

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na handa ang kanilang hanay kung sakaling magkaroon ng aberya sa suplay ng kuryente sa pagdarausan ng SEA Games.

Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabaza, naka-antabay na rin ang kanilang mga tao kung sakaling magkaroon ng problema sa suplay ng kuryente.

Aniya, kasado na ang kanilang contingency na tinatawag na ‘minus one’ o dalawang linya na maaaring daanan kapag palyado na ang isa.