Sunday, May 5, 2024

Pagbasura ng CA sa petisyon ng ACT Teachers ikinatuwa ng PNP

- Advertisement -

Ikinatuwa ng PNP o Philippine National Police ang pagbasura ng CA o Court of Appeals sa petisyon ng Act o Alliance of Concerned Teachers.

Kaugnay ito sa pagkuwestiyon ng ACT hinggil sa ginagawang profiling ng PNP sa ilan nilang mga miyembro partikular na iyong kritiko ng pamahalaan.

Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Bernard Banac, patunay ang naging pasiya ng CA na lehitimo ang kanilang ginagawang hakbang para pangalagaan ang kapakanan ng publiko.

Giit ni Banac, naaayon sa batas ang ginagawa nilang profiling at sumusunod ito sa tinatawag na presumption of regularity.

Ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img