Nasawi dahil sa tigdas sa San Lazaro Hospital umakyat na sa 60

0
41

Umakyat na sa 60 ang nasasawi dahil sa tigdas sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ayon sa tagapagsalita ng San Lazaro Hospital na si Dr. Ferdie de Guzman, mula sa bilang na 57 nadagdagan ito ng tatlo kagabi.

Sinabi de Guzman na isa pang bata sa San Lazaro Hospital ang kritikal ngayon ang kondisyon.

Base sa huling datos, aabot na sa 257 ang kaso ng mga batang tinamaan ng tigdas na nasa San Lazaro Hospital.