Friday, May 3, 2024

Pagbabalik eskuwela ng mga kabataan hindi kailangan pisikal na nasa paaralan

- Advertisement -

Naniniwala si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi dapat maantala ang pag-aaral ng mga bata dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa alkalde, kung iuurong ang pagbubukas ng klase at halimbawang pagdating ng Setyembre ay umakyat sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa, posibleng maantala muli ang pasukan.

Aniya kung madadagdagan pa ang kaso sa Nobyembre muli ulit mauurong ang pag-aaral ng mga bata.

Giit ni Duterte-Carpio hindi ibig sabihin ng pagbabalik eskwela ng mga bata ay kailangan na pisikal silang nasa paaralan.

Sinabi ng alkalde na batay sa guidelines na inilabas ng IATF para sa sektor ng edukasyon maaaring magkaroon ng online classes at offline modes of learning para sa public at private school.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img