Tuesday, May 7, 2024

Pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong nagugutom ikinatuwa ng Malacañang

- Advertisement -

Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng fourth quarter survey ng SWS o Social Weather Stations kung saan bumaba ng 10.5 porsyento ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang pinaka mababang hunger survey result ng SWS sa loob ng 15 taon.

Paliwanag ni Panelo, ang pagbaba ng bilang ng mga mahihirap ay ang dahilan kaya’t patuloy na tumataas ang tiwala ng mga pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, tiwala naman si Panelo na nagbubunga na ang mga hakbang ni Pangulong Duterte upang maibsan ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img