Mga pagbabanta sa buhay ni Trillanes guni guni lang — Panelo

0
43

Guni-guni lamang ni Senator Antonio Trillanes IV ang mga sinasabi nitong pagbabanta sa kaniyang buhay.

Iyan ang naging reaksiyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pag-apply ng senador ng exemption sa umiiral na gun ban dahil umano sa tindi ng mga pagbabanta sa buhay nito.

Tinukoy ni Trillanes ang mga umano’y nagmamanman sa kaniya matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapa-walang bisa ng kaniyang amnestiya.

Depensa naman ni Panelo, isang ilusyunista ang senador at hindi na ikina-gulat pa ng Malacañang ang mga paratang nito.